may mga biyernes na mainit o malamig, solido o singaw, balo o bartulina.
may mga biyernes na gusto kong humingi ng tawad. may mga biyernes na pilit
sumasara sa aortic valve na ayaw magpasara. kung ako’y nasa malayong lupalop,
hindi ako magugulumihanan dahil tuliro rin ang mga tagak na may piring ang mata.
ito’y bago nanaghoy ang biyernes, bago ang huli nitong magnetismo na dumaloy
bago lumigaya.
mahal kong paglisan, patawad kung may mga biyernes,gaya ng mga multo[1],
na humahawi sa alapaap.
bahagharing kalangitan mapanukso
anino ng mga tuka doble-kara
malusog na espasyo postkolonyalismo
may mata ang isip bulung-bulungan
>>ipasok D I A & S P O R E S
pulang kilometro kumakapal ang oras
ating abot-tanaw migrasyon
pakpak nagdedeliryo ekstrang sago
tayo’y malaya ang multo ay ako
walang tula ngayong gabi. masakit ang aking ulo napara bang pader na bumabangga
sa mga alpabeto at tutubing bumibighani sa hangin.aking tala: ICU
nanganganib ang mga salita. pawang daemon ang lunas. samakatuwid
gusto niyang mabasa mo ito,
i still remember the way home.
[1] It is a Filipino folkloric term for a ghost.
some fridays can’t decide if they’re hot or cold, solid or gas, widowed or windowless.
some days like fridays i feel like saying i’m sorry. there are fridays that try to shut
the aortic valve but the aortic valve won’t shut. if i’m in another world, i don’t fuck up
because blind swirling herons stay swirlingly blind. this was before friday sang the blues,
before the last magnetism that came before happiness.
beloved departures, forgive my fridays if they are, like a multo[1], capable of flight.
colored sky wild-haired
silhouette of beaks a binary
of titted space postcolonialism
eyes of thought susurrations
>>insert D I A & S P O R E S
blood kilometer feathered time
horizon shared my*grace*shuns
wings in delirium extra sago
still we free multo i
there is no poetry tonight. my evening headache is putting up the walls where alphabets
and tiny helicopters skip their shiny aerial extravaganza. my pen writes: ICU.
in critical condition are the words. in need of daemon boosters. i’ll be brief.
he wants you to read this note,
i still remember the way home.
[1] It is a Filipino folkloric term for a ghost.
Translated from the Filipino language to English by the author.