Issue#
14
October 27, 2024

Parada sa Gabi / Night Parade

May maririkit na senyales mula sa kalangitan at ang gabi ay dumampi sa iyong buhok,

kasing himbing ng mga lihim sa likod ng mga binakuranghardin. Ang gabi ay pilosopong

tumatangkilik sa misteryo ng mga pelikula ni Jean-Luc Godard, malalim na nagpapakilala

bilang industriyal at Surrealist mula sa ibayong alphaville ng kamalayan.

 

                                                         &&&& TEN PER(S)CENT

 

Gabi bilang larawan ng katahimikan: halimuyak ng iyong gabing may pangakong anyo, wari

ko’y mas taimtim kesa musikang hiram at nagbabakasakali. Mga pangitain mo’y malayong

maging distopiko kesa vegetarian zero, nuknukan sa pagkabughaw kesa sa mga lawa sa, Vang

Vieng, Laos. Ngunit ang iyong pighati—aba!—angiyong doble-karang pighati ay nakasalalay

sa ating kolonyal na nakaraan at sa kariktan ng mga pumaparadang tuktuk ng mga alitaptap,

pangarap, at walang katapusang ampersand. Tout va bien!

 

                                                    &&&& AM PERSON: AKO

 

Mula tuhod hanggang ilong, mula buntong-hininga sa pagkanta, naririnig ko ang katahimikang

may kaakibat na pangarap dahil ika’y totoo sa mundong ibabaw. Pero ngayong nagdaang mga

araw ako’y nababalutan ng lungkot. Ako’y nilisan ng kathang-isip. Sa pagitan ng kinang ng mga

bakal at lira, talim ng huni ng mga ibon, may pait ang samyo ng mga senyales sa iyo habang

pinagmamasdan ko ang alapaap. Maaaring maligalig mong iniintindi ang mga bagay-bagay,

at ako’y iyong napapangiti.    

 

 

More positive signs than there are in heaven, the night falls on your hair like tiny secrets sleeping

soundly behind the hedgerows. This night, unperturbed by human problems, goes deeper into the

films of Jean-Luc Godard, that enough quietude questing to reveal itself industrial & Surrealist

in the distant alphaville of consciousness.

 

                                                         &&&& TEN PER(S)CENT

 

Night as a self-portrait of silence: your scented night of many forms, I guess is happier now than

the music the night sky borrowed from chance. Your life’s vision is far dystopic than vegetarian

zero, far more cerulean than the lagoons in Vang Vieng, Laos. But your woe, oh your number

two woe is to be predetermined by the colonial past, & by a parade of tuktuks with bamboo cages

of fireflies, ambition, & ampersand after ampersand. Tout va bien!

 

                                                         &&&& AM PERSON: I

 

From my knees to my nose, from the sighs of a song, I hear a silence that knows of a dream

that can’t be sold, & that for me you live in the real world. But for these past few days it leaves

me alone. It sleeps off fiction & leaves me alone. Among the broadswords of your iron & lyre,

your songbirds & their flesh of words, you may have read the signs wrong as I watch the sky.

You may have sung the wind’s blues so wild each time, & I just smile.        


Translated from the Filipino language to English by the author.

<previous
next>
There is no previous item
Go back to Top Menu
There is no next item
Go back to Top Menu
A Journal of International Poetry
All content is the property of the individual authors and artists

Site designed by SpicerDigital - Dixon, New Mexico